SINE-SINDAK FILM FESTIVAL


Another year of terror!!! Do you know what this means? 
Mabubuhay na naman ang mga patay!!! 
Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. Asan na sila? Humihigit na sa mga paa!

Para saan ang Halloween kung walang katatakutan? 
Exorcism, ghost hunting, horror houses😱
Mararamdaman na naman natin ang mga kakila-kilabot na pag taas ng mga balihibo.
May kasama ka ba ngayon? Tingnan mong maigi baka hindi ka nag iisa.

Tingnan mo ang kasama mo, sure ka bang siya pa din o iba na? 
May mga taong naiiwan sa ibang mundo, baka isa na ang kasama mo pag masdan mong maigi  baka iba na ang nakaharap sayo kasabay ng pagbuhay patay ng mga ilaw..

AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!

This coming October 24-30 SM Cinema Branches Releases it's Sine Sindak
sabay sabay tayong manood at magtakutan sa sinehan. 




Ngayong papalapit na ang Halloween, nagsanib pwersa ang SM Cinema at CrystalSky Multimedia, para maghatid ng katatakutan sa mga sinehan sa pamamagitan ng kauna-unahang Sine-Sindak Horror Film Festival!

Inihahandog ng Sine-Sindak ang walong (8) international horror movies na paniguradong mananakot sa mga manonood.

The Hoarder (USA)
Nadiskubre ni Ella (Mischa Barton) na ang boyfriend niya ay pasikretong nagrerenta ng storage unit para itago ang kanyang kalaguyo. Pero lingid sa kaalaman niya at ng bestfriend niyang si Molly (Emily Atack) na may mas nakatitindig-balahibo silang matutuklasan. Mayroon din silang mga taong makikilala na tutulong sa kanilang labanan ang mamamatay tao na nagtatago sa dilim.

The Dead Room (USA)
Dalawang scientists (Jed Brophy and Jeffrey Thomas) at isang psychic (Lara Petersen) ang makakaharap ang isang malakas na espiritu na pumuprotekta sa mga lihim ng isang lumang bahay sa gitna ng bukid.

Urban Evil (South Korea)
Isang makabagong pelikula sa South Korea, ang Urban Evil ay tungkol sa isang batang mutant na mag-iimbestiga sa maraming kaso ng exorcism sa kanilang lugar.

Lavender (USA)
Pinagbibidahan ni Abbie Cornish, susubaybayan ng Lavender ang buhay ng isang photographer matapos syang makaranas ng severe memory loss. Isang psychiatrist (Justin Long) ang tutulong sakanyang ma-recover ang mga nawala niyang alaala at maibalik ang kanyang nakalimutang nakaraan.

Darkness Rising (USA)
Bumisita si Madison (Tara Holt) kasama ang kanyang mga kaibigang sina Jake (Bryce Johnson) at Izzy (Katrina Law) sa kanilang lumang bahay kung saan pinatay ang kanyang buong pamilya. Bilang kaisa-isang nakaligtas, pilit niyang hinahanap ang misteryo ng kanyang nakaraan, ngunit sa kalagitnaan, nabulabog din niya ang kasamaang naninirahan doon.

Hollow One (USA)
Pumunta sa isang liblib na lugar sina Rachel Wade (Kate Alden) at ang kanyang nakababatang kapatid para hanapin ang kanilang ama, na nawala matapos ang karumal-dumal na pagkamatay ng kanilang ina. Sa halip na makakuha ng mga sagot, kailangang harapin ni Rachel ang kanyang malagim na nakaraan at takasan ang isang misteryosong nilalang.

The Lost Case (Thailand)
Susubaybayan sa Thai movie na The Lost Case ang kwento ng dalawang bagong salta sa isang TV production company na nagpapalabas ng isang sikat na programang “Ghost Doctor TV.” Na-assign sila sa isang suicide case at sa gitna ng kanilang imbestigasyon, haharapin nila ang pinaka nakakakilabot na karanasan!

Grace (Thailand)
Binalak ni Grace at ng kanyang kapatid na lalaki na kidnapin si Care, isang popular na Internet idol sa Thailand. Si Grace, isang dati ring Internet idol, ay ipinakita sa buong mundo kung gaano siya kabaliw at kawalang-awa habang pinahihirapan niya ang kanilang biktima.

The House On Pine Street
Matapos ang kanyang di inaasahang pagbubuntis, kailangang maging matapang ng isang dalaga habang siya’y nakatira sa isang lumang bahay.

Exit Humanity
Matapos ang American Civil War, biglang nagkaroon ng isang zombie outbreak.

Bilang pagpupugay ng SM Cinema sa matatapang na mga manonood ng horror movies, ang tiket sa Sine-Sindak Horror Film Festival ay mabibili na lamang sa halagang Php 99.00! At kung tunay kang matapang at nais na mapanood ang lahat ng mga nakakatakot na pelikula, may mabibili ka ring unlimited all-day pass sa halagang Php 199.00. 

You can also book tickets on www.smcinema.com or download the SM Cinema mobile application to catch the latest updates. Also follow  /SMCinema on facebook and  @SM_Cinema on Instagram


Are you ready?♰👻


Photo from google

Comments

Popular Posts